Tuesday, September 27, 2011

"Ilang paghahanda tuwing may kinakaharap na Bagyo"

"Ang mga dapat gawin tuwing may bagyo!"

Ang pinakanangu-nguna sa lahat ay ang “Awareness”

Dapat laging matalas ang pakiramdam,  maging mapag-matyag ano mang oras…

Kung wala rin lang mahalagang lakad ay pinapayuhang manatili na lamang sa loob ng bahay.

(Obserbahang mabuti ang mga nagaganap sa paligid ang galaw ng mga tao at kung anu-ano pa man na maaring makatulong sayo na malaman ang totoong sitwasyon, lalo na sa sitwasyong walang pagkukuhanan ng mahahalagang impormasyon at balita.)


Ang pakikinig ng balita sa radio, T.V. o sa kahit ano pa mang paraan upang maging  "updated" sa mga nangyayari.
 
 At siguraduhing mayroong paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao o sa mga kinauukulan.

Siguraduhing bigyang pansin ang signal number na sinasabi ukol sa lakas ng bagyo(ito ay makakatulong ng malaki upang mas maging handa sa kung anong pwedeng mangyari)


Ihanda ang mga bagay na magagamit sa anumang emergency gaya ng:

Mga Gamot (lalo na para sa may mga regular intake necessity)

Para sa lagnat,pagtatae, anti-biotic and kung anu-ano pa, samahan din ng alcohol,bulak at pambenda  upang mas lalong maging handa.


(kapag may nakitang mga sintomas ng kahit anong sakit ang pinakamatalinong gawin ay ang agarang  pagdala sa pagamutan upang masuri at malapatan ng tamang lunas!)





Pagkaing hindi agad na bubulok o hangga’t maari ay hindi na kinakailangang lutuin(hindi masasabi gaano katagal ang hindi inaasahang sitwasyon kaya ang pagkakaroon ng hindi na agad na sisirang pagkain ay malaking tulong kung may roon naman  portable na lutuan na hindi kabigatan ay mas magandang maihanda na!)

 
Gaya ng delata, biscuits, mga tinapay na nakasealed, pwede rin naman bigas, noodles(Cup noodles hangga’t maari), at marami pang iba.








Siguraduhing may "access" sa malinis na tubig pang-inom, kadalasan  sa ganitong pangyayari ang nagiging pangunahing problema ay ang pagtatae o pagkalason dala ng maruming tubig at pag-kain.








 

Mga gamit na nagbibigay liwanag..gaya ng flash lights, emergency lights, kandila, gasera at posporo 

(mag-ingat ng husto kung gagamit ng kandila o anu mang bagay na may apoy,kung hindi rin kinakailangan importanteng ‘wag nang magsindi sa walang taong lugar, upang maiwasan din ang isa pang sakuna na gaya ng SUNOG!) kadalasan kasi nawawalan ng kuryente tuwing may bagyo.



Ang mga Gadgets ay siguraduhing naka-charge tulad ng cellphone, laptops, tablet, at mga potable game consoles, chargable radio o di kaya’y de bateryang radio, at syempre ang baterya  na nakasukat sa mga nasabing gamit.


"Ito ay magkakaroon ng malaking papel hindi upang libangin ka kung hindi upang magsilbi ring liwanag at higit sa lahat para sa Komunikasyon…"




Maghanda rin ng kumot, mga damit at kung anu-ano pa man panlaban sa lamig.








Sa mga bahaing lugar o sa malalapit sa may ilog,dagat lawa at kung ano pa mang uri ng anyong tubig,  pinapayuhang  lumikas na lamang sa mas ligtas na lugar o sa mga kinauukulang "evacuation center" kung hinihingi na talaga ng sitwasyon. 


Ang mga appliances naman na maaring maapektuhan ng baha ay magandang ilagay na sa mas mata-taas na lugar.




(ang mga container ng tubig o mga gallon ay maaring maging floatation device o parang isang salbabida kaya maganda kung maghanda na ng ganito..makikita ang tamang paraan sa paghahanda nito sa mga  sa internet, video tube site, o kayay sa mga seminar na ginagawa sa inyong mga lugar o pwede ring sa T.V.)

"at para naman sa mga may alagang hayop siguraduhin din na nailagay na sila sa masligtas na lugar o di kaya'y maayos ang kanilang pagkakatali o kulungan na may sapat na pagkain at inumin. "

 
Iwasan din ang pag-iinom ng alak o pagintake ng mga gamot na maaring makabawas sa iyong talas ng pakiramdam.


 


Maganda rin na bago pa man dumating ang bagyo ay nakakuha ka na ng sapat na impormasyon..upang mas maging handa(kaya mas maiigi na pag may weather forecast sa balita ay magbigay ng nauukol na pansin.)






Pinakamahalaga sa lahat ay ang pananatiling magkakasama ng mga tao sa loob ng bahay at ang Pananalangin na maging ligtas ang lahat.





"At para sa mga hindi naapektuhan 
o nasalanta maganda na  tumulong  kung mayroon din namang  maitutulong sa pamamagitan ng pagdo-donate o kaya pagpunta mismo sa lugar na nasalanta upang maging parte ng pagbibigay ng tulong sa mga apektado."




Ang pagiging handa sa kahit ano pa mang sakuna ay malaking tulong hindi lamang sa sarili.. sa tao sa paligid ...ito ay maging sa mga taong maaring maingailangan ng iyong tulong..





Upang kahit mahagupit man ng  BAGYO..nawa'y pagkahupa nito'y lahat tayo ay ligtas na makakangiti sa bagong umagang paparating!

No comments:

Post a Comment